Home
Salamat at paalam
June 6, 2009
“Alam mo, nasusuka at nahihilo ako tuwing umaga pagkagising ko .”
“Magpa check-up ka na kaya sa doktor?”
“Huwag na at baka malaman ko pang buntis ako”
“Loko ka talaga Benjie! kalalake mong tao eh mabubuntis ka?”
“Mamamatay na yata ako, baka may HIV or Cancer na ko pero ok lang dahil nurse naman kita”.
“Care ang ibinibigay naming mga nurse, Cure ang ibibigay sayo ng doktor”.
“Hindi ko kelangan ng CURE, Mas kelangan ko ng CARE”.
“Kelan ka ba makikipag-usap sakin ng seryoso? puro ka biro eh,” Banggit ni Grace sa akin.
Si Grace ay isang dalagang bente tres anyos, may payat na katawan at tahimik sa personal na siya namang kasing ingay ng kinakatay na manok pag tumawa at humalakhak.
“Ayokong magseryoso dahil hindi mo rin magugustuhan. Seryoso lang ako pag galit ako.” Tugon ko.
kabaliktaran ng katawan ni Grace, medyo chubby ang katawan ko at kasing ingay ng kinakatay na baboy pag nakikipag usap.Limang buwan na kaming magnobya ni Grace ngunit medyo madalang lang kami magkasama dahil sa magkalayo ang aming tirahan ngunit araw-araw ang aming komyunikasyon as tulong ng text messaging at chat & forums sa internet.
“Bahala ka nga sa buhay mo Benjie! hindi na ko natutuwa sa mga kapilosopohan mo! sana lagi mong tatandaan na hindi lahat ng bagay ay pwede idaan sa biro. babay.” Galit na simbat ni Grace sakin bago sya mag sign out sa yahoo messenger.
Gaya ng sinabi ni Grace, Hindi mo makikita sakin ang salitang “SERYOSO”. Halos lahat ng kaibigan ko eh tingin sakin ay payaso dahil sa talento kong mag gawa ng istoryang nakakatawa, kaya ko silang pagulungin sa sahig sa aking pagpapatawa at kayang kaya ko rin silang yamutin o galitin sa pang-aasar. Nang araw ding iyon, nauwi ang aming pagcha-chat sa isang pagtatampuhan dahil sa kapilosopohan kong sagot sa kanyang mga seryosong tanong.
Kinabukasan, humingi ng paumanhin si Grace sakin kahit na ako mismo ang may kasalanan ng aming tampuhan.
“Naalala mo ba yung sinabi mo sakin noong naasar si Baste at nilait nya ang aking pagkatao dahil sa pamimilosopo ko sa tanong nya?,”Wika ko.
“Ano nga ba yun Benjie?”
“Sabi mo sakin na pagpasencyahan ko na siya dahil hindi nya ako lubusang kilala”.
Biglang may dumaan na anghel na panandaliang nagkaroon ng katahimikan sa aming usapan. maya maya ay nabulabog ang katahimikan sa tanong ni grace na
“Maaari ko bang i-blog ang usapang ito?”, at sya namang pinayagan ko at sinabing hihintayin ko ito at kasasabikan kong basahin ang kanyang gagawing blog na hindi naman natuloy.
Dalawang buwan pa ang lumipas matapos tamaan ng matinding virus ang aming relasyon na inaakala naming maghihilom pa.Pinagseselosan kasi ni Grace ang bestfriend ko tuwing gumagala kami sa mall dahil meron kaming nakaraan nito. ngunit…
“Alam mo kung lagi tayong mag-aaway, ibalik nlang natin yung pagkakaibigan natin kung saan walang tampuhan at away na ganito”.
Hindi pumayag si Grace sa naisip kong paraan kasabay ng salitang “Ganon? ganon nlang pagkatapos ng lahat?”.
Hindi na ko nagsalita dahil hindi ko rin nman gusto ang kasunduang iyon. Subalit sa patuloy na pagkakalabuan ng relasyon naming dalawa ay pumayag din si Grace sa kasunduang iyon.
“So wala na tayo. yun lang ibig sabihin non. Sige, bigyan mo ako ng panahon. Mananahimik lang ako ng isang buwan at pagbalik ko, kaibigan nalang ang turing ko sayo”. Matapos nyang magdisisyon ay nanikip ang aking dibdib.
Nangyari na ang nangyari. Alam kong iiwan ko na rin ang mundong ito dahil sa sakit kong Myocardial infarction pero mas minabuti kong ilihim ito kay Grace at sa aking mga kaibigan dahil ayokong makita silang nalulungkot at umiiyak. At dito nagtatapos ang aking kwento. Salamat at Paalam…
Bago nyo tapusing basahin ang blog na ito, Nais kong malaman nyo na hindi ako si Benjie, ako ang nasa kwento na si Grace, gamit ang aking ala-ala, at ang diary ni Benjie na natagpuan ko isang taon mula ng siya’y lumisan. Nakasulat doon ang kan yang mga huling ala-ala ng pagmamahalan naming dalawa. Ito na ang blog na ipinangako ko sayo.
BUHAY BANTAY
July 19, 2008Ang saklap! gusto kung gumala pero hindi pwede. Sa pitong araw, isa dito ay araw ko ng pahinga. sa isang araw na may dalawamput apat na oras, labing anim na oras ang ginugugol ko sa trabaho. Kadalasan mag-isa lang akong nagbabantay sa tatlompu’t isang unit ng computer. Sa umaga, Gigisingin ako ng pinsan kong may-ari ng Computershop.
8:00am nagring ang telepono ‘kkkrriiinnggg!!!”… “Benson! magbukas ka na at papunta na kami dyan dala ang agahan mo!.” Magbubukas ako ng Computershop at hihintayin ang agahan. 10:30am dumating ang pinsan ko na may dalang agahan. Anong agahan? Kanin at pritong talong (walang toyo o kahit ano mang sawsawan) GULAY?!!. Kasabay nito ay recess ng mga estudyanteng adik sa dota.
“Kuya pa-reserve ng sampu”
“kuya samin walo”
“sa PC No. 2 ako”
“ako sa PC No. 5″
sabay sabay magsasabi ng numero at paulit-ulit.
Ngarag si benson…. 11:00am nakaupo na lahat ng nagpareserve. Kakainin na ang frozen rice at talong (agahan).
12:00pm tatawag ang pinsan ko, “Benson parating na ang tanghalian”. 2pm dadating ang tanghalian kasabay muli ng uwian ng mga batang adik sa dota.
“Kuya pa-reserve ng sampu”
“kuya samin walo”
“sa PC No. 2 ako”
“ako sa PC No. 5″
sabay sabay ulit magsasabi ng numero at paulit-ulit.
Pag nakaupo na ang lahat, kakainin na ang frozen galunggong w/ 1 slice of tokwa.
“ISDA?!!”
puno ang 31 units ng computer hanggang 7:00pm.
Darating ang hapunan (Ginisang ampalaya w/ egg). “GULAY NANAMAN?!!”
11:00pm Isang oras bago mag sarado ang Computershop konti nalang ang customer. maglilinis na ako (Free close). sakto 12:00mn sarado ang shop. Cut-off na ng kinita para sa ngayong araw kasabay ang sermon. “benson, pag oras ng pagba-bantay, bantay lang! wag ka nang mag friendster at mag chat! yung mga customer blah blah blah blah… matatapos ang sermon ng 1:00am. “Benson matulog ka na ah! wag ka nang magpupuyat!”. magtutulog-tulugan si benson. pagka-alis ni pinsan, biglang magkakaroon ng lamayan.
Batihan Portion
May 24, 2008Binabati ko ang mga kaibigan kong tumulong at sumuporta sa akin para i-ayos at i-tama ang blog na ito. sila c Arizza, Mingming, Joyjoyjoy, TH Fey, Potpot, Kwagong Bulag, Boy labo, ‘nak dunnah, donna rose, at sa lahat ng mga kabobo ko.
Simulan ang Batihan portion.
Naalala ko ang isa kong kaibigan na itago na natin sa pangalang "ineng Buang" (tunay nya yatang pangalan?^^). meron cyang Blog about "Masturbation". sa tulong nya ay napag-alaman ko na bata plang tay0 at minsan ay hindi natin nalalaman na tayo pala ay nagbabate na (Nagmamasturbate) sa mga simpleng gawain lang. halimbawa d2 ay ang paglalaro ng ating maselang bahagi at ang tinatawag nilang "Pagkukuyakoy".
Ngunit dahil siya ay humihingi ng kumento , napilitan akong magsaliksik sa nasabing paksa. Nagulat ako ng aking mabasa ang mga effects ng masturbation! ang inaasahan ko ay negative o nakakasama sa kalusugan ang aking mababasa. subalit nabig0 ako! dahil ito ang aking nadiskubre (nakalimutan ko ung saktong site).
Ang mga effects ng masturbation?!!
Masturbation can increase self-knowledge:
Sex educators don’t call masturbation the cornerstone of sexual health for nothing. Masturbation is the first, safest, and best way to get to know how your sexual body works. You can learn what turns you on and what doesn’t. You can learn how to give yourself sexual pleasure in a hurry, or when you’ve got nothing but time. As an educational tool, masturbation is better than any textbook, video or website you’ll ever read (that includes this one!).
Masturbation can lead to self-discovery:
Even if you know how to get the job done, masturbatorally speaking, your capacity to feel sexual pleasure is limitless and masturbation is a great way to find new functions for familiar parts. Often when we’re having sex with a partner we might be too self-conscious, shy, or otherwise distracted to pay close attention to what’s happening in our own body. Masturbation, when you’re doing it by yourself, allows you to focus on the subtlety of your own sexual response , and possibly discover things you hadn’t previously realized were part of your sexuality.
Masturbation is nature’s sleep aid:
While thinking about sex might keep you up at night having it, including masturbation, is a great way to deal with insomnia. In a 2000 study of U.S. women, 32% said that in the past three months they masturbated as a way to fall asleep. Whether it’s because of the hormones and endorphins released following orgasm, the benefits of clearing your head, or the mini cardio workout, masturbation that ends in orgasm is a great way to get to sleep without pills, television, or counting sheep.
Masturbation provides pain relief:
Whether you’re experiencing temporary or chronic pain from sore joints, headaches, menstrual cramps, or other causes, masturbation and orgasm can, in some cases, provide natural pain relief. While we don’t know exactly why, research has documented arousal and orgasm resulting in reduced pain thresholds. It’s worth pointing out that for some conditions (like migraine headaches ) orgasm can either reduce the pain or increase it.
Masturbation is a great stress reliever:
Several studies have documented the relaxation effects of masturbation induced orgasm. Aside from the physical benefits, masturbation, when you’re doing it right, is all about “you time” and taking time to focus on yourself is a great way to break up the stress of a busy life. Particularly when used with sexual fantasy, masturbation can be a great escape, a way to let off some steam, and while masturbation alone might not be enough to deal with all the stress in your life, it’s a healthy, free, and non-pharmaceutical tool right at your fingertips (or other body part or sex toy, as the case may be).
Masturbation may offer cancer prevention:
Two recent studies found a link between the number of times a man ejaculates and the likelihood of getting prostate cancer. The prostate gland produces and stores seminal fluid and the fluid can build up in the prostate if a man goes a long time without ejaculating. This build up isn’t always a problem, but in the studies men who ejaculate more were less likely to be diagnosed with prostate cancer. Another researcher has proposed a theory that orgasm may offer some protective effect against breast cancer via oxytocin released at orgasm.
Dahil sa mga nabasa natin, nagkaroon ako ng idea kung anong dapat gawin kapag hindi ako makatulog. At iyon ay ang pagkukuyakoy.
TAMA
Usapang tama tayo ngayon. Kung nanonood ka ng Stranges Brew sa telebisyon at nakikinig ng Brewrats sa radyo, suki sa pandinig mo ang salitang "TAMA!!!". Paboritong dialogue iyon ni Angel Rivero. hindi mabubuo ang nasabing programa kapag hindi mo narinig ang "TAMA".
Maiba tayo, Malamang alam mo ang katagang " Customer is always right". Customer is a King. Kagabi alas diyes imedya, pinatay ko na ang Aircon ng Internet cafe namin. isa nalang kasi ang natitirang customer at hanggang alas-dose ng madaling araw nalang kami. tinutok ko sa customer ang bintilador. Dun nya naramdaman na patay na pala ang Aircon. nagreklamo sya sakin at sinabing "Bakit mo pinatay ung aircon?! hindi ba ako customer?!!". Maayos naman ang paliwanag ko na nag-iisa nalang siyang natitira at malapit na mag-close ang cafe. Pero isinumbat niya sakin ang "Customer is always right". Grabe magreklamo si Gurang chatters! P15.00 lang ang 1 hour rate namin. sapat lang ang perang ibinayad nya para sa pagrent ng computer. libre na ang lamig ng aircon, hangin ng bintilador, liwanag ng ilaw, upuan, at security. Sige pagbigyan si Gurang Chatters. Binuksan ko uli ang aircon.
Hindi ako naniniwala sa "Customer is always right". dahil kung iyon ang susundin ko, aabuso ang customer. kahit anong i-utos nya tama? pano kung sabihin nyang "gahasain mo ako!"? o kaya nman "pa-rent ng computer tapos ako bayaran mo!". kelangan ko ba silang sundin dahil customer sila at laging tama?
Mas naniniwala ako sa katagang "Customer is not always right but always first". Hindi laging tama ang customer dahil hindi sila perpektong tao. Kaya madaming customer ang umaabuso at lumalaki ang ulo dahil sa katagang "Customer is always right". Sapat nang paglingkuran ang customer sa saktong proseso. hindi kulang at hindi sobra. bilang isang empleyado, Kaya naming silang bigyan ng TCS or Total Customer Satisfaction pero wag sana kaming abusuhin. Hindi kami alipin, hindi utusan, tao rin kami! hindi nga lang halata! XD
BRAINLESS *Bobo nga!!!*
May 23, 2008
Brainless: Adjective
1. (not comparable) Having no brain
2. (comparable) unintelligent, with little common sense.
Wala akong ibang maisip kung saan ko sisimulan ang pagpapakilala ko sa bago kong Blog na ito. pero dahil narinig ko ang salitang BOBO at tinamaan ako *sapul talaga*, unti-unting pumapasok sa aking blangkong pag-iisip ang nais kong ipahayag tungkol sa kabobohan ng aking pagka-tao.
"Salamat sa teacher kong mataba, Tumuwid ang bulol kong dila" Iyan ang pangwakas kong salita sa aking tula noong ako ay nasa kinder pa. Bulol ako noong bata pa’ko. may sarili akong bigkas sa mga bagay-bagay na kailangan ko at hinahanap ko sa aking ina. narito ang ilang mga halimbawa. 1. Kumot - Pumot 2. shampoo - pampoo 3. sabon - chabon 4. kulambo - pumambo 5. Tubig - mamam
Musmos palang ako, suki na ng aking tenga ang salitang bobo. tama! sa maliit na pagkakamali lang ay nasasabihan na ako ng bobo. narito ang isa sa halimbawa ng aking pagkabobo.
*naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng basketball. ipinasa sakin ng kakampi ko ang bola at inihagis ang bola papunta sa ring. kaso kapos. >.<. sabi sakin ng kakampi ko, "Ay bobo! sana hindi ko nalang pinasa sa’yo".
Kung naipasok ko kaya ang bola sa ring ng pagkakataong iyon, matalino ako! bibigyan nila ako ng malaking medalya. siguro magkakaroon ako ng scholarship sa isang kilalang mataas na paaralan. at bibigyan ako ng presidente ng pilipinas ng isang milyong piso. sayang talaga ang pagkakataong iyon.
Apat kaming magkakapatid. ako ang pangalawa sa panganay. Tulad ko, may kapatid at kamag-anak din ang salitang bobo. parang logic lang yan eh. ang bobo ay kapatid ni tanga, gunggong, ungas at utak-dikya. ang magulang nila ay sila p*tang *na at gag*. pinsan ni bobo si baliw, praning, topak, sira ulo, sira yan, at marami pang iba. pero extra lang sila dito. si bobo ang bida.
Naalala ko nung bata pa ako, pilit kong hinihiram sa kuya ko ang baril-barilan nya na kung tawagin ay "Pellet Gun". Ung may balang plastik na bulitas? sakit nun pag tinamaan ka. pinaheram naman sakin ni kuya. akala ko walang bala un. kaya umandar nanaman ang kabobohan ko. naghanap ako ng target at nakita ko si bunso. May target na’ko. ang mata ni bunso! tutal wala naman itong bala*bulong ko* At itinutok sa kanyang mata ang baril-barilan. sabay kalabit. "BANG!!!". May bala ang baril! tinamaan si bunso sa pagitan ng dalawang mata. binatukan ako ni kuya sabay sigaw ng "BOBO!!!!". Pano kung magaling ako bumaril at sa mata talaga tumama ung bala? eh di bulag na ung kapatid ko. Magiging masamang tao ako hindi lang sa mga kapatid ko, mga magulang ko, higit sa lahat ang mga kapit-bahay naming makakati ang dila. Buti nalang bobo ako bumaril. Ligtas si bunso. Simula noon, hindi na ako humawak ng Pellet Gun.
Dito sa Intertet Cafe kung saan ako nagta-trabaho, maraming matalino at maraming bobo. sila ang mga naglalaro ng Counter Strike at Dota. kapag may nagkamali, automatic sila ang sasabihan ng bobo. automatic din na ang mga nagsabi naman ng bobo ay ang mga matatalino at magagaling. araw-araw hindi nawawalan ng bobo dito. pero alam nyo ba na hindi lahat ng bobo ay kawawa?
Meron akong natuklasang isang grupo ng mga bobo sa internet. Dahil bobo ako, hindi ako nagdalawang isip na sumali at maging miyembro ang isang grupo na kung tawagin ay Bobong Pinoy Friendster Groups. nakakatuwa dahil gaya ko, bobo rin sila. sila ang aking mga kabobo. Lahat kami ay umiidulo sa isang Webmaster ng Bobongpinoy.com na wala na ngayon. Siya ay si Bob Ong na ngayon ay isang Misteryosong manunulat at may akda ng librong "ABNKKBSNPLAKo?!, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino, Ang Paboritong libro ni Hudas, Alamat ng Gubat, Stainless Longanisa, at MACARTHUR".
"Masarap maging kabobo"





